CEBU CITY – Kinansela ng Archdiocese of Cebu ang lahat ng mga religious activities gaya ng tradisyunal na Visita Iglesia ngayong papalapit na ang Semana Santa.
Ito ang naging anunsyo ni Cebu Archbishop Jose Palma sa isinagawang misa kanina sa Cebu Metropolitan Cathedral matapos na nakipagpulong ang archdiocese sa Cebu City Police Office (CCPO).
Aniya, ito ang mismong desisyon nga archdiocese dahil sa pag-akyat muli ng bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa rehiyon at sa buong bansa.
Nangako naman ang CCPO na babantayan nila ang mga lugar kung saan gaganapin ang nasabing mga religious activities.
Humingi ngayon ang arsobispo sa publiko na intindihin ang naging desisyon para sa kaligtasan ng lahat ngayong lumalala umano ang naging hawaan ng COVID-19.