-- Advertisements --

Binigyang-diin ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang simbolo ng Holy Week o Semana Santa ay isang paalala para sa lahat ng mga Katoliko partikular sa mga kawani ng pamahalaan na maglingkod nang may katapatan, integridad at habag, at pagtuunan ng pansin ang mga nangangailangan ng tulong.

“For those of us in public service, Holy Week is a time to pause and return to the core of our calling. It is a reminder to serve with sincerity, to lead with empathy, and to be more attentive to those who are quietly carrying burdens,” Holy week message ni Speaker Romualdez.

Hinikayat din ni Speaker Romualdez ang mga Pilipino na pagnilayan ang buhay ni Hesukristo.

Giit ni Speaker Romualdez, ang paglalakbay ng Panginoong Hesukristo ay nagpapaalala sa atin na ang tunay na lakas ay matatagpuan sa sakripisyo, ang pagpapagaling ay ipinanganak ng kapatawaran, at ang pananampalataya ay nag-aalok ng pag-asa kahit na sa ating pinakamadilim na sandali.

Ayon kay Speaker, ang diwa ng mga Pilipino ay palaging nakataas sa kahirapan na may tahimik na tapang, malalim na pananampalataya, at habag o awa para sa iba.

Ipinahayag ni Speaker Romualdez ang hangarin na ang sagradong panahon na ito ay magdala ng kapayapaan, lakas sa mga walang katiyakan, at kaginhawahan sa mga nangangailangan.

Ngayong Holy Week panalangin ni Speaker ang isang makabuluhan, tahimik, at puno ng biyaya ng Semana Santa, manahan ng pag-ibig ni Kristo ang bawat tahanan ng mga Pilipino, at patuloy na pagpalain at gabayan ng Diyos ang ating minamahal na bana ang Pilipinas.