All-set na ang semifinal round ng 2023 FIBA Basketball World Cup ngayong araw.
Sa unang laro na magsisimula dakong alas-4:45 pm ang paghaharap ng Canada at Sebia.
Ito ang pang-siyam na finals appearance sa FIBA World Cup ng Serbia habang ito ang unang pagkakataon na makapasok sa finals ang Canada.
Sa nasabing laro ay inaabagan ang banggaan ng mga magkakatunggali sa Most Valuable Player na sina Shai Gilgeous-Alexander ng Canada at Bogdan Bogdanovic ng Serbia.
May average si Bogdanovic na 18.8 points, 4.8 assists, 3.2 rebounds at 2.2 steals habang si Gilgeous-Alexander ay mayroong 25 points average, 7.2 rebounds, 5.0 assists at 1.7 steals per game.
Sa ikalawang laban naman ay target ng US na makuha ang ikaanim na FIBA title sa pagharap nila sa Germany dakong alas-8 ng gabi.
Naging malaking hamon ngayong taon sa USA ang FIBA dahil sa natalo sila sa kanilang unang laro kontra Lithuanians 110-104 pero bumawi agad sila sa quarterfinals ng tambakan ang Italy 100-63 habang ang Germany ay walang katalo-talo.
Ipinagmamalaki ng mga Germans ang kanilang mga pambato gaya nina Johannes Voigtmann, Moe Wagner, Daniel Theis, at Johannes Thiemann kung saan maaaring itapat ng US sina Wlaker Kessler, Paolo Banchero at Jaren Jackson Jr.
Panlaban ngayon ng USA si Anthony Edwars na mayroong 35 points laban sa Lithuania habang sa Germany ay ilalaban si Dennis Schroder na mayroong 9 points laban sa Latvia.
Ito na ang pang-anim na paghaharap ng US at Germany kung saan hindi pa natalo ang US na ang huling laro nila ay noong 2008 Olympics.