-- Advertisements --

ROXAS CITY – Inaasahang magtatagal pa ng dalawang buwan ang ipinatutupad na semi lockdown sa bansang Finland.

Sa report ni Bombo International Correspondent Celine Hilapad, nagsimulang ipatupad sa Finland ang semi lockdown noon buwan ng Enero kung saan magtatagal pa ito hanggang sa katapusan ng buwan ng Hulyo.

Sarado ang lahat ng mga non essential establisments, mga tanggapan at paaralan maliban lamang sa mga essential establisments.

Asahan na magbubukas ang ilang mga establisemento sa susunod na buwan ng Mayo sa nasabing bansa.

Samantala mahigpit na ipinatutupad ang social distancing at mandatory ang pagsuot ng face mask para maproteksyunan ang sarili laban sa COVID-19 pandemic.