-- Advertisements --
DAVAO CITY – Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa lungsod, nagpadala ngayon ng sulat si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa Regional Interagency Task Force Against COVID-19 (RIATF) para hilingin na magpatupad ng semi-close border sa buong Davao region.
Ito ang pahayag ni Mayor Sara kung saan kailangan na mga essential lamang ang papayagan na mobiyahe.
Nilinaw naman ng alkalde na ang nasabing hakbang ay dapat ipatupad para mapigilan ang pagtaas ng kaso at hindi makapasok ang bagong variant ng mga virus.
Layunin rin ng alkalde na maiwasan ang posibleng surge ng Covid-19 kung saan sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang ginagawang community surveillance swab test sa iba’t-ibang sektor ng lungsod.