DAGUPAN CITY – “Nais lamang na maibahagi ang talent sa ibang tao.”
Ito ang isa sa mga layunin ng isa sa semifinalist na si Mary Jean Trinidad, 19, mula sa Barangay Bonuan, Boquig sa lungsod ng Dagupan sa pagsali niya sa Bombo Music Festival (BMF).
Sa panayam kay Trinidad, sinabi nito na kaya siya sumali sa BMF ay nais maka-inspire sa ibang tao at mabigyan sila ng pag-asa.
Kuwento niya, nasa elementarya pa lang siya ay mahilig na siyang magsulat ng kanta.
Samantala, hindi naman nawawalan ng pag-asa si Paulo Ay Ay mula sa Tacloban na nakasama sa Bombo Music Festival semifinalist na makarating siya sa finals.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Ay Ay na masayang masaya siya dahil ito ang pinakaunang sinalihan na song writing competition.
Ang sinulat niyang kanta na “Bilang tao” ay environmental song na nagpapaalala sa mga tao na pangalagaan ang likas na yaman.
Nabatid na dati na siyang nagsusulat ng mga kanta pero ngayon lang napili at napasama bilang semifinalist.
Payo niya sa mga ibang manunulat ng kanta na ipagpatuloy ang pagsusulat at suportahan ang original Pilipino music o OPM.