Idinaos ngayong araw ang seminar para sa 100 public utility vehicle personnel kung saan isinusulong nito ang ligtas na pagmamaneho sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malinaw na mata.
Bukod sa Seminar ay mayroon ring libreng check up, medical consultations at promo ng ilang produkto para sa mata.
Ipinunto sa nasabing aktibidad ang kahalagahan ng check up sa mata kada dalawang taon upang masiguro na ito ay malinaw at kayang kaya pang makapag maneho ng isang driver.
Sa pamamasada, hindi lamang kaligtasan ng mga driver ang kailangang iprioridad kundi pati ang mga sakay nito.
Kailangan maibigay sa pasahero ang kasigurohan na ang nagmamaneho para sa kanila ay nasa tamang kondisyon.
Sa kalsada, hinding hindi mawawala ang posibilidad ng mga aksidente at hindi inaasahang pangyayari.
Kaya paalala ng pamunuan na hangga’t maaari ay alamin ang mga road signs, traffic rules at sigurohing naka kondisyon ang sasakyan pati na ang sarili bago magmaneho.