Isinagawa ng Department of Migrant Workers ang pagbibigay seminar sa mga kababaihang Filipina seafarers kasabay ng pagdiriwang pa rin ng Women’s Month ngayong Marso.
Layunin kasi ng naturang kagawaran na mabigyang kahalagahan ang pagpapaunlad sa kakayahan ng isang babaeng indibidwal lalo na sa larangan ng kanilang trabaho.
Kung saan dinaluhan ito ng 63 women cadets na malapit ng magtapos sa pag-aaral at nakalinya na maipadala sa ibang bansa upang duon maghanap buhay.
Pinangunahan mismo ang naturang seminar ng Sea-based Accreditation Bureau ng Department of Migrant Workers katuwang ang isang asosasyon ng mga Maritime Institutions.
Sa ginanap na seminar, tinalakay ang wasto at ligal na paraan ng pag-hire sa isang seafarer, online safety, laws on child pornography, at diskusyon sa implementasyon ng Magna Carta for Seafarers.
Kaya naman matapos ang isinagawang aktibidad, planon ng kagawaran na magkaroon pa ng susunod na batch para masegurong handa ang mga babaen seafarers sa pasusuking industriya.