-- Advertisements --

Siniguro ni Senate Committee on Accounts Chairman Senador Alan Peter Cayetano na nananatiling smooth ang nagpapatuloy na konstruksyon ng bagong senate building.

Ayon kay Cayetano, wala nang aberya o delay sa naturang proyekto.

Tinututukan rin aniya ng Senado partikular ng kanyang komite na mapababa pa ang gastos sa pagbuo ng nasabing gusali.

Layon nito na matiyak na hindi makukumpurmiso ang kabuuan ng disenyo maging ang kalidad nito.

Aniya, nananatiling nakatuon ang kanyang komite upang masiguro na ang presyo nito ay naka angkla sa kasalukuyang halaga ng mga materyales na ginagamit sa pagtatayo.

Sa ngayon ay patuloy ang mga hakbang na ginagawa ng senado para mapabilis ang konstruksyon at matugunan ang naging delay sa proyekto.