Muling nagpositibo sa COVID-19 si Sen. Sonny Angara, isang buwan matapos siyang magnegatibo na sa naturang sakit.
Ayon kay Angara, dalawang ulit siyang sinuri noong nakaraang buwan at lumabas na wala nang virus sa kaniyang katawan.
Kaya laking gulat nito nang masuri siya na muling nagpositibo sa nasabing sakit.
Kinailangan ng senador na muling mag-test para makapag-donate sana ng blood plasma na gagamitin sa iba pang pasyente ng COVID-19.
Dahil sa naturang development, sinuri na rin ang kaniyang pamilya para matiyak na ligtas ang mga ito sa naurang virus.
Nabatid na nakauwi ni si Angara noong Abril at nakasama ang pamilya, matapos payagan ng kaniyang doktor.
Hinala ng mambabatas, remnant ng COVID-19 ang na-detect sa pinakahuling test na ginawa sa kaniya.