Kinumpirma ni Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara na nagpositibo siya sa isinagawang pagsusuri ukol sa coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Angara, ilang araw na siyang dumaranas ng ilang sintomas ng virus, kagaya ng bahagyang lagnat, ubo, sakit ng ulo at panghihina.
“I regret to announce that today, March 26, I received my test result and it is positive for covid 19. I have been feeling some symptoms like mild fever, cough, headaches and general weakness,” wika ni Angara.
Sinabi nitong kusa na siyang nag-isolate matapos ang pagkuha ng test noong Marso 16, 2020.
“I have not been in contact with the public since taking the test last March 16,” dagdag pa nito.
Si Angara na ang ikatlong senador na nagpositibo sa nasabing sakit.
Unang natukoy na infected si Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri at pangalawa si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III.
Apela nito sa publiko, isama siya sa panalangin para tuluyang gumaling mula sa COVID-19.
“I ask for your prayers that together we are able to pull through this tremendous challenge. Let us continue to support all efforts to fight the further spread of the virus. Let us support our frontliners on the streets, in the emergency rooms as they are key to the effort. With hope, sacrifice, and unity of effort, we shall overcome,” saad pa ng pahayag mula kay Angara.