-- Advertisements --

Kinumpirma ni Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara na pinayagan na ito ng kaniyang mga doktor na makauwi sa kaniyang pamilya matapos gumaling mula sa COVID-19.

SEN. SONNY ANGARA

Ayon kay Angara, nag-negatibo na siya sa nakaraang test para sa deadly virus at pneumonia.

“After several days in the ER and the covid wing my doctors finally sent me home today– negative for the virus and pneumonia free,” wika ni Angara.

Nagpasalamat naman ito sa mga doktor at nurse na nag-alaga sa kaniya sa panahon ng confinement at quarantine period.

Inalala rin nito ang mga kaanak, kaibigan at iba pang taong nagpalakas ng kaniyang loob, sa panahong nakikipaglaban siya sa nasabing sakit.

“Big big thanks to my doctors and nurses for taking care of me and to my family, loved ones, friends for all the prayers, letters and food that you sent. Am truly grateful for the gift of life and even more so now for those at the front lines who safeguard our lives and protect our society. I met nurses and doctors who don’t go home anymore, some even doing double duty in other hospitals. They truly truly are REAL HEROES. I will be at home with my son when he celebrates his bday this weekend but many of our health workers will not make it home as a measure of protection for their families. Salamat po and godbless everyone. Hope everyone is safe at home,” dagdag pa ng senador.

Si Angara ay isa lamang sa tatlong miyembro ng mataas na kapulungan ng Kongreso na nagpositibo sa COVID-19.

Ang iba pang senador na nagpapagaling ngayon sa virus ay sina Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri at Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III.