NAGA CITY – Nalulungkot man sa naging resulta ng katatapos lamang na May 13 midterm elections ay nagpaabot pa rin ng pasasalamat si Sen. Bam Aquino sa mga Bicolano.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Aquino, sinabi nito na labis ang kanyang pasasalamt sa mga Bicolano sa suportang ibinigay sa kanya matapos nitong makakuha ng 1,007,340 na boto.
Ayon kay Aquino, naramdaman niya ang tunay na pag-adopt sa kanya ng Bicol sa tulong na rin ni Vice President Leni Robredo maging sa kanyang mga kasamahan sa Otso Diretso.
Inalala rin ng opisyal ang pagod na ginawa ng kanilang mga volunteers para lamang ikampanya ang kanilang partido.
Liban sa Bicol, kinumpirma ni Aquino na nakakuha rin siya ng maraming boto mula Central Luzon at Western Visayas habang sa Mindanao naitala ang pinakamababang resulta ng eleksyon.