-- Advertisements --

Magsasagawa ngayon umaga ng kauna-unahang pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs na pinamumunuan ni Sen. Ronald Bato dela Rosa.

Gaganapin ang pagdinig mamayang alas-9:00 ng umaga kung saan aminado si Sen. Bato na kinakabahan siya sa kauna-unahan niyang pagdinig matapos na mahalal bilang senador.

Kabado raw siya dahil “first time” niya ito na ikinumpara pa ng senador sa “first kiss” noong kabataan na kinabahan din ang mambabatas.

Ayon kay Dela Rosa, kaniyang susundin ang payo ng kapwa dating PNP Chief nasi Sen. Panfilo Lacson na mag-ingat at mag-obserba muna nang mabuti mula sa mga pahayag ng mga resource person.

Si Lacson ang dating chairman ng naturang komite na humawak sa mga kontrobersyal na pagdinig sa Senado.