-- Advertisements --

Nakatanggap ng matinding pambabatikos si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa social media dahil sa mga insultong binitawang pahayag nito laban kay Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña, na napagalaman na isang stroke survivor.

Maaalalang sinabi ni Dela Rosa na sasapakin niya si Cendaña upang maging ”pantay” ang mukha nito, kung saan nag pagtaas ng kilay ng publiko, na itinuturing hindi magandang biro lalo na sa isang stroke survivor.

Pumalag naman si Cendaña at ipinaliwanag sa social media nito na ang hindi pagkakapantay ng kanyang mukha ay dulot ng pagkakaroon niya ng stroke. Sa isang Facebook post, sinabi nito, ”TABINGI ANG MUKHA’ ko dahil ang ‘BAKLANG NGIWI’, na ito ay stroke survivor. Yakap na mahigpit sa mga kapwa ko stroke survivor.’

Pumalag din ang kongresista kay Dela Rosa, at hinikayat ang senador na ipakita ang parehong tapang na ipinakita nito sa pagtugon sa mga agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea (WPS) at sa pagharap sa International Criminal Court (ICC), na nagsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa war on drugs ng dating administrasyong Duterte.

Samantala naglabas naman ng public apology si Dela Rosa nitong Linggo, at tinanggap ang pananagutan sa mga nasabi nito.

‘The past few days have weighed heavily on Filipinos, especially sa aming mga Mindanaoans at ibang Cebuano speaking people. Maraming nagalit, at dahil sa nag-empathize ako sa galit nila, nakapagbitiw ako ng mga salitang hindi maganda at nakapanakit ng damdamin ng iba,’ ani Dela Rosa

Dagdag pa niya, ‘I apologize for what I said and did, particularly in failing to see the bigger picture. My apologies to Congressman Perci Cendaña for my offensive comments on his person. I wish him good health. I make no excuses and I take full responsibility for the hurt my words have caused.’

Nag-ugat ang matinding girian sa dalawang kampo matapos na inindorso ni Cendaña ang kauna-unahang impeachment complaint na isinampa ng mga civil society organizations, religious leaders, sectoral representatives, at mga pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings laban kay Vice President Sara Duterte noong Disyembre 2, 2024 kung saan ang mga akusasyon ay culpable violations ng Saligang Batas, graft at corruption, bribery, betrayal of public trust, at iba pang mabibigat na krimen.

Sa huli maluwag namang tinanggap ng kongresista ang apology ng senador at sinabing, ‘Nawa’y magsilbi itong mahalagang aral, na ang tunay na lider ay hindi lamang may kapangyarihan kundi may malasakit, to keep our political discourse rationale and humane, at ang panawagan ng pananagutan ay hindi personal na atake kanino man kundi responsibilidad ng lahat ng mamamayan.’

SOURCE: Perci Vilar Cendana