Iginiit ni Senate committee on public order and dangerous drugs chairman Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na walang sinuman ang nagdikta sa kaniya maging si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa imbestigasyon ng kaniyang komite kaugnay sa PDEA leaked documents na nagdadawit kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa aktres na si Maricel Soriano sa illegal drug use.
Ito ang naging tugon ng Senador sa akusasyon ni dating Senator Antonio Trillanes sa isang press conference na nagpapagamit ang Senador at ang pagdinig sa Senado ay parte umano ng destbilization plot laban kay PBBM at si dating Pangulong Rodrigo Duterte umano ang utak sa likod nito.
Sinabi din ng Senador na ni kailanman ay hindi siya magpapagamit sa kahit sinuman.
Ipinaliwanag din ni Sen. Dela Rosa na kailangan niyang panatilihin ang kredibilidad ng naturang pagdinig at binigyang diin na ginagawa niya lamang ang mandato nito bilang chairman ng komite dahil mga calssified document ng PDEA ang kinukwestyon at ang PDEA ay nasa ilalim ng oversight function niya bilang chairman ng Senate Committe on public order and dangerous drugs.