Hindi dapat magtago sa haligi ng Senado si Sen. Bato dela Rosa, kundi dapat humarap ito sa pagdinig ng House Quad Committee probe upang bigyang linaw ang mga alegasyon hinggil sa extrajudicial killings (EJKs) sa ilalim ng Duterte administration at ang madugong drug war kung saan siya ang PNP chief.
Ito ang iniyahag ni Young Guns member Zambales Rep. Jefferson “Jay” Khonghun.
Sinabi ni Khonghun si Dela Rosa ang siyang magbibigay linaw sa mga issue na bumabalot kung ano ang nangyari talaga noong panahon ni Pangulong Duterte, dahil siya ang arkitekto ng war against drugs noong panahon na iyon.
Inakusahan ni Dela Rosa ang mga mambabatas na miyembro ng Quad Comm probe na para mga sirang plaka na paulit-ulit.
Ayon kay Lanao del Sur Rep. Khalid Dimaporo walang masama sa imbestigasyon ng Quad Comm, dahil korte naman ang magdesisyun kung dapat bang kasuhan.
Ayon kay Nueva Ecija Rep. Mika Suansing,bilang tugon sa pahayag ni Senator Bato Dela Rosa, hindi kasi pwedeng tanggalin ang usapin sa EJKs kasi napaka-central nito sa usapan.
Ayon kay Suansing, andaming nakakabahalang mga lumilitaw gaya ng quota system, incentives system sa lahat ng ranggo ng PNP.
Ayon naman kay Tingog Rep. Jude Acidre na batay sa mga testimonya ng mga witnesses, resource persons ay coordinated ang ginagawa.
Giit ni Acidre kailangan malaman kung saan nagkamali in terms of institutional safeguards at ang taong pwedeng mag-explain lang nito talaga, ang dating Chief ng Pambasang Pulisya, si Senator Dela Rosa.