-- Advertisements --
Nakipagpulong din ang presidential aspirant na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kay presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ang pakikipagharap ni Mayor Sara ay kasunod ng kanyang pulong din sa presidentiable na si dating Sen. Bongbong Marcos doon sa Cebu.
Agad namang nilinaw ni Bato na ang kanyang pagharap kay Mayor Sara ay upang ipaalala sa alkalde na nalalapit na ang November 15 na siyang deadline ng Comelec sa substitution.
Una nang sinabi sa Bombo Radyo ng senador na handa siyang umatras sa pagkandidato sa pagka-presidente kung mag-substitution sa kanya si Mayor Sara.