-- Advertisements --

Hindi napigilang maging emosyonal ni Senator Ronald dela Rosa nang ibahagi niya sa Bombo Radyo ang kwento sa likod ng nangyaring helicopter crash sa Guimba, Nueva Ecija noong hapon ng Sabado, Pebrero 1 na ikinasawi ng 25 anyos na babaeng piloto.

Si Sen. Bato kasi ang huling pasahero na hinatid ng piloto at ibinaba sa Baguio city bago mangyari ang insidente.

Aniya, hanggang sa ngayon shocked pa rin siya sa nangyari.

Samantala, kumambiyo naman ang Senador na magbigay ng spekulasyon sa nangyari habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa plane crash.

Aniya, masama din ang kaniyang loob dahil hindi nito lubos maisip ang nangyari dahil malapit sa kaniya at kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya ng nasawing piloto.