-- Advertisements --

Ibinunyag ni Senator Christopher ‘Bong’ Go na tinanggalan siya ng kaniyang security details.

Sinabi ng senador na nangyari pa ito bago pa tanggalin ang mga police security na nakatalaga kay Vice President Sara Duterte.

Dagdag pa nito na mga tatlong linggo pa ito nauna bago lumabas ang isyu na pagbawi sa PNP security personnel na nakatalaga sa Bise Presidente.

Giit nito na hindi siya nababahala na mawalan ng security dahil sa sanay na ito na maglakad ng mag-isa.

Magugunitang inalmahan ng Bise Presidente ang pagtanggal sa kaniyang mga police escort at tinawag ito bilang isang uri ng political harrasment.