-- Advertisements --

Muling iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go na hindi ito tatakbo sa pagkapangulo ng bansa sa darating na 2022 elections

Sinabi nito na susuporta na lamang ito sa sinumang kandidato ang magpapatuloy sa ginawang pagbabagong nasimulan na ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakatuon ito ngayon sa kaniyang trabaho na manilbihan sa mga Filipino.

Magugunitang napili ng PDP-Laban sa faction ni Energy Secretary Alfonso Cusi si Go bilang pangulo ng bansa habang si Pangulong Duterte ay nominado nila bilang tatakbong ikalawang pangulo.