-- Advertisements --

LA UNION – Makakaasa ang mga taga La Union sa tulong na ibibigay ng Duterte administration ayon kay Senator Christopher Bong Go.

Una rito, sa isinagawang inauguration ng Malasakit Center sa Ilocos Training & Regional Medical Center (ITRMC) sa San Fernando City, La Union sinabi nito na makaaasa ng malaking tulong ang mga mahihirap na pasyente sa pagkakaroon ng Malasakit Center sa lalawigan.

Aniya, may inilaan na P5 milyon kada buwan ang Office of the President na ibibigay sa ITRMC at P10 milyon pesos naman mula sa opisina ni Sen. Go para naman sa medical assistance ng mga indigent patients ng Malasakit Center.

Maliban pa dito, suporta rin ni Sen. Go ang karagdagan bed capasity ng ITRMC na una ng ipinanukala ni La Union Congressman Pablo Ortega na mula sa 300 ay gawin itong 800.