Zamboanga City – Tulong tulong ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Civilian government agencies upang maghatid ng tulong sa mga apektadong pamilya matapos ang malawakang sunog na nangyari sa lalawigan ng Sulu.
Kasama sa mga nagbigay ng relief assistance sa mga biktima ay sina Senator Bong Go, undersecretary Aimie Neri ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ni Lt. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Western Mindanao Command, Joint Task Force Sulu sa ilalim ng pamumuno ni Maj. Gen. Corleto Vinluan, local chief executive ng Jolo at ng Provincial government ng Sulu kung saan nakipagusap ang mga ito sa mga biktima.
Mahigit sa 2,800 na mga pamilya ang nawalan ng bahay pagkatapos ang malawakang sunog na nangyari noong Pebrero 3.
Sinabi ni Lt. Gen. Sobejana, na tungkulin ng Armed Forces na magbigay ng tulong sa mga tao kung kinakailangan maliban pa sa kanilang ginagawang focused military operations, nakamandato din umano sila para magsagawa ng operasyon maliban sa giyera, ito ay ang rescue and relief operations sa panahon ng mga sakuna.