Tinawag ni Senator Christopher “Bong” Go na isang uri ng pamumulitika ang paglantad ni Police Colonel Jovie Espenido sa House of Representative para idawit ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa anti-drug war ng gobyerno.
Ayon sa Senador na ang walang direktang impormasyon o ebidensiya na sangkot ito sa koneksyon ng POGO at drug war.
Malinaw aniya na isa lamang hearsay kaya nagtataka ito kung bakit nadawit ang pangalan niya sa affidavit.
Giit pa ng senador na wala itong direktang kinalaman sa anumang POGO at ang reward system sa drug war.
Habang ito ay naging Special Assistant to the President ay kailanman ay hindi umano ito humawak ng pondo para sa drug wars at anuman mula sa POGO.
May mga makakasaksi ito sa kasamahan niya sa senado noong nananalo siya ng 2019 na hindi kailanman siya tumatanggap ng pondo o pera sa ibang tao.
Nagtataka rin ang senador kung bakit ipinipilit na iugnay ang POGO sa anti-drug war ni Duterte noon.
Natitiyak niya na ang mga suportang ibinibigay sa mga kapulisan ay galing sa ligal na pamamaraan at ito ay nakaprograma sa gobyerno.
Sa huli ay nakiusap ito sa mga kapwa mambabatas na maging mapanuri sa mga imbestigasyon at hindi basta maniwala lamang sa mga tsismis.