-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na hindi kasama sa drug-watchlist si Senator Bong Go.

Ang nasabing pahayag na ito ng PDEA ay kasunod sa isinasangkot ang pangalan ng senador sa iligal drugs at Philipine Offshore gaming operator (POGO).

Ayon sa PDEA na hindi naman incorporator ng anumang korporasyon na nagpapatakbo ng POGO ang senador kaya hindi ito kasama sa listahan.

Magugunitang sa ginawang pagdinig ng quad committee ng House of Representatives ay nabanggit ang pangalanng senador ni PDEA deputy director general Renato Gumban matapos na ipresenta nito ang drug matrix.

Nasa larawan ng matrix sina Go, dating presidential economic adviser Michael Yang ganun din ang drug suspek na si Allan Lim o Lin Weixiong na sangkot sa Pharmally scam.