-- Advertisements --
cynthia villar

Tahasang kinuwestiyon ni Sen. Cynthia Villar ang polisiya ng Department of Agriculture na tinutulungan ang mga mayayamang magsasaka.

Sa pagdinig ng Finance Subcommittee sa 2023 proposed budget ng Department of Agriculture, sinabi ni Sen. Villar na hindi na kailangang tulungan ang mga mayayamang farmers dahil kayang kaya nilang magsarili.

Ginawa ito ni Villar matapos madiskubre na sa P163 billion proposed budget ng Department of Agriculture, mahigit P7 billion ang inilan para sa pagbili ng hybrid seeds na mayayamang magsasaka lamang ang nakikinabang habang kakarampot lamang ang inilaan para sa ordinaryong breed ng palay.

Paliwanag naman ni Senior Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban, dati kasi pag pinapapili nila ang mga magsasaka, mas pinipili nila ang high-yield variety.