Bago pa man inaresto si Sen. Leila De Lima noong Biyernes ng umaga, plano sana nitong sumailalim sa kustodiya ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon sa isang opisyal ng militar na hiniling ng senadora sa AFP na sa military detention facility ito magpapakulong.
Ibinunyag din ng nasabing opisyal na sa militar sana susuko si De Lima kapag inilabas na ang kaniyang warrant of arrest.
Dahilan ng senadora bakit gusto niya magpakustodiya sa militar ay dahil nangangamba ito sa kaniyang seguridad at hindi umano nito kayang ipagkatiwala ang kaniyang seguridad sa PNP.
Pero tinanggihan umano ito ni AFP chief of staff General Eduardo Ano ang kahilingan ng senadora.
Sinabi ng source na ayaw umano ni chief of staff na makaladkad ang militar sa kontrobersiya na kinasasangkutan ng senadora.