-- Advertisements --
DE LIMA ON US BUDGET

Ikinatuwa ni opposition Sen. Leila de Lima ang naisabatas nang budget ng Estados Unidos, kung saan nakasaad ang bahaging nagdedeklara ng “ban” sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na nagpakulong sa kaniya at sangkot sa ilang human rights violations.

“My gratitude to the US Congress is overwhelming for including in the final and approved Appropriations Bill for Fiscal Year 2020, now signed into law by the US President, the provision restricting the travel to the US of those responsible for and party to my persecution and imprisonment, or the Durbin/Leahy amendment,” wika ni de Lima.

Kilala ang probisyong iyon bilang Durbin/Leahy amendments, dahil base ito sa proposed amendments nina US Senators Richard Durbin ng Illinois at Patrick Leahy ng Vermont.

Ayon kay De Lima, ang hakbang ng US officials ay patunay lang na biktima siya ng political persecution.

Naniniwala ang senadora na susunod na rin sa hakbang na ito ang European Union, Canada at iba pang bansa at mga grupo para kundenahin ang mga paglabag sa karapatang pantao sa ating bansa, kung saan ang mga responsable umano ay mismong nasa gobyerno o kaya ay kasabwat ng mga ito.