-- Advertisements --

Nakatakdang makalabas si opposition re-electionist Senator Leila de Lima bukas upang sumailalim sa general medical check-up sa Manila Doctors Hospital.

Pinayagan ni Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 256 Judge Romeo Buenaventura si De lima na sumailalaim sa medikal na pagsusuri mula Abril 5 hanggang Abril 6 at hindi lalagpas sa 48 oras.

Sa kanyang dalawang-pahinang kautusan noong Marso 30, pinayagan ni Buenaventura si De Lima na muling sumailalim sa pagsusuri batay na rin sa kahilingan ng kanyang mga manggagamot.

Nagpasalamat naman si De Lima sa hukom at humingi naman ito ng panalangin na nawa’y ligtas siya at walang nararamdamang sakit.

Noong 2018, nakitaan ng “liver mass” si De Lima pero naging benign naman ito at inirekomenda ng manggagamot na normal siyang sumailalim sa medical check up bawat taon para matiyak ang kalagayan nito.