-- Advertisements --

Naghain ng panuklaang batas si Senator Leila de Lima para matigil ang pamamayagpag ng mga fixers sa online passport renewal.

Layon ng Senate Resolution 921 na matigil na ang nasabing kalakaran.

Ito rin aniya ang daan para mapabuti ang pamamalakad ng Department of Foreign Affairs.

Inihalimbawa ng senador na nagpapareserba ang mga fixers slot para sa passport renewals at ibinebenta nila ito sa social media.