-- Advertisements --
LEILA DE LIMA
Senator Leila De LIma

NAGA CITY – Pabalik na ngayon sa Metro Manila si Sen. Leila De Lima matapos ang walong oras sapagbisita sa kanyang inang may sakit sa kanilang tahahan sa Barangay San Agustin, Iriga City sa lalawigan ng Camarines Sur.

Eksaktong alas-3:33 kaninang hapon ng umalis ang senadora at ang convoy nito habang nagpa-iwan naman muna ang kanyang mga kapatid.

Sa paglabas ng kanilang bahay ay may iilang residente sa lugar ang nag-abang at kumaway sa opisyal.

Sa kabila ng emosyonal at kagalakan na pagkikita kita ng mga magkakamag-anak ay kinumpirma ng pamilya De Lima na hindi pa rin aniya alam ng kanilang ina ang kalagayan ng senadora.

Ito ang kinumpirma ni Vicente De Lima II ng matanong ng Bombo Radyo Naga sa muling pagharap sa media.

Hindi daw umano mauunawaan pa ng kanilang ina ang problemang pinagdadaanan ng opisyal lalo pa’t nakakulong ito.

Kaugnay nito, patuloy na naniniwala ang pamilya De Lima na mas marami umano ang nakakaalam ng totoo matapos na masangkot ito sa isyu ng droga.