-- Advertisements --

Sinagot ni Senator Leila De Lima ang naging patutsada sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos na halos siya ang naging laman ng address to the nation ng pangulo nitong Lunes ng gabi.

Sa kaniyang Twitter sinabi ng senador na marami na ang namamatay dahil sa COVID-19 ay kung bakit pa rin ito ang kaniyang pinoproblema.

Inakusahan pa nito ang pangulo na siya ang naging dahilan ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa dahil hindi agad itong nagpatupad ng travel ban sa bansang China na siyang pangunahing pinagmulan ng COVID-19.

Pinayuhan na lamang nito ang pangulo na tutukan na lamang ang kaniyang trabaho imbes na pagtuunan ang oras sa pagbanat sa mga kalaban sa politika.

Magugunitang sa kaniyang national address nagalit ang pangulo dahil tila natutuwa pa si De Lima na may karamdaman ang pangulo.

Magugunitang taong 2017 ng nakulong si De Lima matapos na masangkot sa transaksyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.