Hindi nagsisisi si Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa na naipatupad ang umano’y madugong war on drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte.
Ayon kay Dela Rosa, kung mabibigyan ito ng pagkakataon ay pipiliin niyang ipatupad itong muli.
Batay sa datos ng Philippine National Police, aabot sa 6,000 na mga drug personalities ang namatay at napatay mula sa mga ikinasang operasyon ng pulisya.
Giit ng senador, ito lang ang tanging paraan para maipanalo ang laban kontra sa ilegal na droga ng dating administrasyon.
Mas maigi aniya ito para maiparating ang mabigat na mensahe sa mga kriminal na sangkol sa ilegal na droga.
Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag bago ang pagsisimula ng pagdinig sa senado hinggil sa drug war ng Duterte administration sa araw ng Lunes, Oktubre 28.