-- Advertisements --

Humingi na ng pagpapatawad si Senator Ronald dela Rosa kay Akbayan party-list Representatives Percival Cendaña.

Ito ay matapos na batikusin ng senator sa pamamagitan ng panggagaya sa pagmumukha ng mambabatas na isang stroke survivor.

Sinabi nito na marami ang nagalit sa kaniya sa mga nasabi at naging aksyon niya kay Cendana.

Labis ito ng nagsisi at humingi ng kapatawaran kay Cendaña kung saan binati niya ito ng malakas na kalusugan.

Tinaggap naman ni Cendaña ang paghingi ng kapatawaran ni Senator dela Rosa at sinabing dapat ay gawin rin nito sa mga stroke survivors na nasaktan sa kaniyang sinabi.