Nagmatigas si dating Philippine National Police (PNP) chief at kasalukuyang Senator Ronald “Bato” dela Rosa na hindi siya makikipagtulungan at hindi niya kikilalanin ang hurisdiksiyon ng International Criminal Court (ICC) na nag-iimbestiga sa war on drugs sa ilalim ng nakalipas na Duterte administration.
Sa eksklusibong panayam sa “The Vote 2025” program ng Bombo Radyo, pinuna din ni Dela Rosa ang paiba-ibang pahayag ng mga opisyal ng gobyerno sa isyu sa pakikipagtulungan ng PH sa ICC, at sinabing maaaring walang kontrol ang Pangulo sa kaniyang Gabinete o sinusuway ng mga ito ang mga pronouncement ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Nagtataka din ang Senador kung bakit umano ipinipilit ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla ang isyu sa posibilidad na pakikialam ng Interpol para kausapin ng Pilipinas para sa implementasyon ng order mula sa ICC.
Iginiit ni Bato na hindi miyembro ang DOJ sa Interpol kayat sa halip ay dapat na hayaan na lamang ang PNP na magpasiya sa bagay na ito.