-- Advertisements --

Nagkasama sina Senator Ronald “Bato” dela Rosa, Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, sa kasal ng anak ni Sen. Ramon Revilla Jr.

Sa kaniyang social media account, nag-post si Sen. Dela Rosa ng larawan habang kasama sina Marcos at Duterte-Carpio.

May caption ito na “Pili lang kayo” na ang tinutukoy ay tungkol sa nalalapit na halalan.Naghain kasi ng kandidatura para maging pangulo sina Dela Rosa at Marcos habang ang Davao City Mayor ay matunog na tatakbo rin sa pagkapangulo matapos na ito bawiin nito ang kandidatura niya sa muling pagtakbo ng pagka-alkalde ng lungsod ng Davao.