-- Advertisements --

Pabor si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na limitahan ang alokasyon ng confidential at intelligence funds (CIF) para sa mga ahensiyang may kaugnayan sa national security at law enforcement.

Aniya, ang solusyon umano para hindi maabuso ang paggamit ng CIF ay tanggalin ito.

Binigyang diin din ni Sen. dela Rosa ang pangangailangan para sa isang maprinsipyong indibidwal na prayoridad ang kapakanan ng mga Pilipino.

Tiniyak din ng reelectionist Senator sa mga botante na sakaling manalo siyang muli sa panibagong termino sa Senado, maninindigan siya sa kaniyang values at moral lalo na sa mga isyu na makakaapekto sa mga tao.

Nangako din ang Senador na ipagpapatuloy niya ang laban sa iligal na droga sa pamamagitan ng legislation gayundin ng mga panukalang batas laban sa political dynasties, illegal gambling at agricultural smuggling at iba pa.