-- Advertisements --

Pinayuhan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang mga government officials at mga otoridad na magkaroon nang mahabang pasensya at huwag manakit ng sibilyan.

Tugon ito ni dela Rosa matapos kumpirmahin ng chairman ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na si Executive Secretary Lucas Bersamin na sinibak na bilang spokesperson ng PAOCC si Winston Casio.

Makikita kasi sa video na kaliwa’t kanan na sinampal ni Casio ang isang lalaki sa naganap na raid sa isang scam hub sa Bataan kamakailan.

Lumabas na nagmura umano ang dayuhan at nag dirty finger ito sa opisyal.

Ayon kay dela Rosa, hindi magandang tingna kung ang isang opisyal ng pamahalaan ay nanakit ng sibilyan.

AV…

Aminado naman si Casio sa nagawa niyang pagkakamali, at aniya nadala lang daw sya ng kanyang damdamin kaya nagawa nya ang pananampal.

Gayunpaman, nakapagsumite na rin aniya siya ng kanyang paliwanag kahapon at hinihintay na lang ang magiging pasyo ng komisyon.