-- Advertisements --

Pinayuhan ni Sen Ronald Dela Rosa si Lt Col. Jovie Espinido na tumahimik na at iwasan na ang patuloy na pagsasalita sa media hinggil sa pagkakasama niya sa drug watchlist ni Pang. Rodrigo Duterte.

Sa panayam kay Dela Rosa dito sa Kampo Crame sinabi nito na ang ginagawa ni Espinido ngayon ay nakakasira sa imahe ng PNP maging sa kaniyang sarili.

Giit ni Dela Rosa hindi makakatulong kung patuloy na magsasalita sa media si Espinido.

Aniya, dapat obserbahin ni Espinido ang proper decorum at kung hindi niya kaya umalis siya sa PNP.

Binigyang diin ni Dela Rosa na siya mismo bina vouch niya ang kredibilidad ni Espinido at inamin nito na tao niya ang opisyal.

Pero ang ginagawa ni Espinido ngayon ay mali.

Naniniwala naman ang dating PNP chief na posibleng may mga tiwaling pulis ang nais isabotahe si Espinido at isinangkot siya sa iligal na droga.

Dapat imbestigahan ng PNP ang impormasyon na nag uugnay kay Espinido sa illegal drugs.