ILOILO CITY – Nagbabala si Senate Minority Leader Franklin Drilon kasunod ng utos ni Pangulong Duterte sa kanyang gabinete na huwag dumalo sa Senate Blue Ribbon Committee hearing.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Drilon, sinabi nito na ang Korte Suprema na mismo ang nagdesisyon na hindi maaaring harangan ng isang pangulo ang senado na magsagawa ng pagdinig lalo na ang pinag-uusapan ay pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Aniya, unconstitutional ang ginagawang pagharang ni Duterte sa imbestigasyon ng senado kaugnay sa overpriced na COVID-19 supplies.
Ayon kay Drilon, maaari lang ipagbawal ang pagdalo ng gabinete sa pagdinig kung ito ay nalalagay sa alanganin ang military, democratic o national security.Sen. Drilon, may babala kay Pangulong Duterte sa pag-utos sa Cabinet members na huwag dumalo sa Senate Hearing