BACOLOD CITY – Hindi pabor si Sen. Sherwin Gatchalian na isailalim sa Martial Law ang Negros Oriental kasunod ng serye ng pamamaslang sa probinsiya.
Sa panayam sa senador sa kanyang pagdalo sa 22nd charter day ng Kabankalan City sa Negros Occidental nitong Biyernes, mariing tinutulan nito ang lumalabas na impormasyon na isailalim sa martial rule ang Oriental Negros kasunod ng pamamaslang kung saan sa loob lamang ng sampung araw nakaraang araw noong Hulyo umabot sa 21 katao ang patay na kinabibilangan ng mga pulis, dating alkalde, konsehal, punong barangay at mga sibilyan.
Ayon sa senador, may iba pa naman opsyon upang mapigilan ang pamamaslang sa nabanggit na probinsiya kagaya ng pagdeklara ng pangulo ng emergency power na limitado lamang sa lugar atstate of calamity on violence.
Pinanindigan ni Gatchalian, na hindi pa naman pwedeng gawing basehan mga huling kaganapan sa Negros Oriental upang isailalim ito sa batas miilitar.
Aniya, nagbibigay ng hindi magandang impresyon ang pagsasailalim sa isang lugar sa Martial Law.