Dumipensa ang isa sa mga Senador na bumoto ng pabor sa paglikha ng kauna-unahang sovereign wealth fund sa Pilipinas, ang kontrobersiyal na Maharlika Investment fund.
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalina, ang pangunahing layunin ng panukala para sa paglikha ng Maharlika Investment Fund ay napakalinaw.
Ito aniya ay para sa economic development at para mabawasan ang kahirapan sa ating bansa.
Saad pa ng Senador na mayroong 2-fold objective ang MIF. Isa dito ay ang pag-invest sa infrastructure at ikalawa ang pag-invest sa profitable infrastructure.
Sa ngayon, tanging ang pirma na lamang ni Pangulong Marcos ang kailangan upang maging ganap itong batas.
Maaalala na nitong Miyerkules, in-adopt ng Kamara ang Senate Bill 2020 o ang bersyon ng Senado sa naturang panukala.
Isa sa malalaking pagbabago sa MIF ay ang pagtanggal sa state pension funds mula sa panukalang sovereign wealth fund.