CEBU – Ipinangako ni Senator Win Gatchalian na isusulong niya pagbalik sa Senado ang isang panukalang batas nanaglalayon na bigyan ng maayos na tirahan ang mga nabiktima sa kalamedad lalong-lalo na ang mga biktima ng malalaking sunog.
Ito’y matapos nakita ng senador ang hirap na dinaranas ng mga biktima ng sakuna kung saan nakaka-awa ang sitwasyon nila sa mga evacuation centers.
Aniya, kung may maayos o desinting tirahan o pabahay ang gobyerno sa mga nakatira sa mga dangers zone o fire prone areas maiiwasan sana ang mga sakuna gaya ng malalaking sunog kung saan daan-daang pamilya ang maapektuhan.
Inihayag ito ng Senador matapos nitong bisitahin ang malaking sunog na nangyari sa Sitio Paradise Brgy. Looc lungsod ng Mandaue Cebu ngayong hapon kung saan binisita niya ang fire scene at personal na namigay ng daan-daang sako ng bigas at mga groceries sa mga biktima ng malaking sunog dito sa Mandaue noong Nobyembre 23 kung saan 250 kabahayan ang nasunog.
Bago kay Senator Gatchalian, personal ring nagbigay ng tulong ang iba pa niyang kasamahang senador na sina Senator Bong Go, Senator Ronald Bato Dela Rosa at Senator Imee Marcos sa mahigit tatlong libong biktima ng sunog dito sa lungsod ng Mandaue.