Naglabas na ng statement si Senator Sherwin Gatchalian sa gitna ng kontrobersiya na kinasasangkutan ng kanyang longtime girlfriend at actress-beauty queen na si Bianca Manalo.
Sa instagram account ng Senador, kaniyang ipinost ang framed photos nila ni Bianca na christmas gift na natanggap niya mula kina Sen. Sonny Angara at asawa nitong si Toots. May nakalagay din dito na caption na walang fake news ang makakapaghiwalay sa kanilang dalawa.
Ang statement na ito ni Sen. Gatchalian ay kasunod na rin ng leaked convo ng kanyang gf sa aktor na si Rob Gomez na co-star ng aktres sa Magandang Dilag.
Una naman ng pinabulaanan ng actress-beauty queen ang nasabing isyu kung saan sinabi nitong binura ang ilan sa kanilang convo message at nilinaw din na magkaibigan sila ni Rob at may ibibigay lamang itong christmas gift.