-- Advertisements --
Ipinag-utos ni Senate Committee on Basic Education Chairman Senador Sherwin Gatchalian sa Department of Education (DepEd) na dapat ay ituro na sa mga mag-aaral ang Good Manners and Right Conduct (GMRC).
Isinagawa nito ang nasabing pahayag sa ginawang senate inquiry ukol sa dumaraming insidente ng bullying sa loob ng paaralan.
Dagdag pa nito na mahalaga ang nasabing pagtuturo ng GMRC para malaman ng mga mag-aaral na mali ang pambubully.
Nakikipag-ugnayan na rin ang senador sa DepEd para mapalakas ang laban nila kontra sa pambubully sa loob ng paaralan.