-- Advertisements --

Pinuri ni Sen. Bong Go ang national at local governments, gaundin ang kanilang private sector partners kaugnay sa kanilang kontribusyon sa pagbuo ng Philippine National Vaccine Roadmap para matiyak ang accessibility ng ligtas at epektibong COVID-19 vaccine para sa lahat ng mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap, vulnerable sector, medical workers at mga guro.

Sinabi ni Sen. Go, bilang chair ng Senate Committee on Health, pangunahing interes nito ay ang availability, accessibility at affordability ng mga bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Sen. Go, dapat ring kayaning mabigyan ng libre ang mga mahihirap at vulnerable sectors para makabalik na sila sa normal na pamumuhay.

Kasabay nito, iginiit ng senador na dapat isagawa ito ng naaayon sa batas para matiyak na walang pera ang masasayang at ang mga Pilipinong nangangailangan ng tulong ay prayoridad.

“Dapat rin siguraduhin na safe at effective ang vaccine na gagamitin natin. We should not take chances. Buhay ng mga Pilipino ang nakataya dito,” ani Sen. Go.

“Buo ang aking tiwala sa kakayahan ni Gen. Carlito Galvez matapos siyang inatasan ni Pangulong Duterte na tumayong COVID-19 vaccine czar. Pagdating sa procurement nito, siguraduhin dapat na may ‘due diligence’ at tamang proseso ang masusunod.”