-- Advertisements --

Hinikayat ni Sen. Bong Go ang mga kapwa mambabatas na suportahan ang pagpasa ng panukalang batas na naglalayong magtatag ng hiwalkay na departamento para sa mga overseas Filipinos.

Ginawa ni Sen. Go ang pahayag sa kanyang manifestation sa joint hearing na pinangunahan ng Senate Committee on Labor and Employment kung saan binigyang-diin nito ang kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtatag ng Department of Overseas Filipinos na isa ito sa kanyang mga pangako sa mga nagdaang State of the Nation Address (SONA).

Sinabi ni Sen. Go, matibay ang paninindigan ni Pangulong Duterte na kailangan ng bansa ang isang departamentong tutugon sa mga concerns ng mga kababayang nasa abroad.

Ayon kay Sen. Go, sa ngayon, ang migration and overseas employment functions ng gobyerno ay nakakalat sa ilang national agencies na nagpapahirap sa pagbibigay ng kaukulang serbisyo sa mga Filipinos overseas.

Inihayag ng mambbabatas na hindi lingid sa ating kaalaman na kapag ang mga ahensya ay hiwa-hiwalay at may kanya-kanyang mandato, ang nahihirapan ay ang mga overseas Filipinos kung saan kadalasan, hindi nila alam kung saan sila pupunta.

“Simple lamang po ang layunin ng batas na ito. Gusto natin na magkaroon ng isang ahensya ng gobyerno na magsisilbing timon para sa lahat ng concerns ng ating mga kababayan sa ibang bansa,” ani Sen. Go.