-- Advertisements --
SEAG logo
POC ans PSC officials with the official SEAG logo

Kumpiyansa si Senator-elect Bong Go na walang magiging hadlang para sa pagdaraos ng Southeast Asian Games (SEA Games) sa bansa ngayong taon.

Sa kabila ito nng nangyayaring gulo o girian sa Philippine Olympic Committe (POC).

Sinabi ni Go, sakaling ganap nang ibigay sa kanya ng Senado ang chairmanship ng Committee on Sports, agad niyang sisikaping plantsahin ang gusot sa POC.

Ayon pa kay Go, handa siyang mamagitan sa gusot sa naturang local Olympic body o ang hindi pagkakasundo at pagkakaunawaan ng mga opisyal nito para magtuloy-tuloy nang walang aberya ang SEA Games.

Sa July 5 ay gaganapin ang snap election matapos ang biglaan at nakakagulat na pag-resign sa puwesto ni POC President Ricky Vargas.

SAP BONG GO
Senator-elect Bong Go / FB post

Samantala, tiwala rin naman si Sen. Go na matatapos ang mga pasilidad sa bahagi ng New Clark City na gagamitin para sa SEA Games sa Nobyembre.

Sa katunayan, mas maaga umano ng dalawang buwan bago ang pagsisimula ng SEA Games ang ginarantiya ng mga gumagawa sa pasilidad na matatapos ang mga ito.

SEAG stadium Clark City
New Clark City sports complex (photo appeared in www.2019seagames.com)