Pormal nang naghain ng withdrawal si Sen. Bong Go ng kanyang kandidatura sa pagka-pangulo ngayong araw sa Commission on elections (Comelec).
Personal na nagtungo si Go sa tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Manila sakay lamang ng taxi para pormal na iatras ang kanyang certificate of candidacy (CoC).
Ayon sa senador, si Pangulong Rodrigo Duterte lamang daw ang nakakaalam sa kanyang pagtungo sa Comelec mula sa kanilang bahay.
Maging ang kanyang security escort at driver ay hindi alam na nagtungo ito sa Comelec para pormal na ihain ang kanyang withdrawal.
Base sa batas, ang mga kandidatong magwi-withdraw sa halalan ay kailangang personal na magtungo sa tanggapan ng Comelec para iatras ang kanilang kandidatura.
Nagpahayag ng kanyang withdrawal si Go noong Nobyembre 30 Go na tumatakbo noon sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).
Kung maalala, nag-substitute si Sen. Go sa kandidatura ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na siyang unang naghain ng CoC sa pagkapresidente na siya sanang standard bearer ng administrasyon.