Naglabas nang ebidensiya si Senator Bong Go upang patunayan na hindi na nakaranas ng mild heart attack si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kaniyang social media, nag-post ang senador ng ilang mga larawan na kasama ang pangulo.
Makikita sa larawan na nakaupo si Duterte na napapaligiran ng mga dokumento.
Sinabi ng senador, natambakan lamang ng mga paperworks ang trabaho kaya ipinagpaliban ang ilang mga nakatakdang pagpupulong nito.
Saad pa ng senador, hindi pa napapanahon na magdiwang dahil buhay na buhay ang pangulo at natambakan lamang ito ng kanyang mga aasikasuhin.
Hindi rin aniya ito panahon nang pagsisihan dahil ito ay panahon ng pagtutulungan.
Magugunitang ipinagpaliban ng pangulo ang kaniyang talk to the nation nitong Miyerkules ng gabi dahil nadapuan ng COVID-19 ang ilan nitong mga miyembro ng Presidential Security Group.
Nauna rito kumalat ang balitang nakaranas ng mild stroke ang 76-anyos na pangulo kaya kinansela nito ang ilang aktibidad.